SMARTMATIC PINAG-INITANG MULI NI DU30

DUTERTE66

(NI BETH JULIAN)

MINSAN pa ay muling pinatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Smartmatic.

Sa pagdalo nitong Huwebes ng Pangulo sa pagdiriwang ng mga Muslim sa Eid’l Fitr sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi dapat masayang ang kahit na isang boto lamang sa susunod na eleksyon sa 2022.

Pinangangambahan ng Pangulo na baka mauwi lamang sa gulo at patayan ang sitwasyon kapag isang Muslim lang ang magreklamo dahil hindi nabilang ang kanyang boto o kaya ang mga kandidato na natalo pero naniniwalang sila ay nanalo at hindi nakaupo sa puwesto dahil sa alegasyong nadaya ito.

Kaya naman pahayag ng Pangulo ay makabubuting maghanap na lamang ng ibang technology provider na siguradong hindi sasablay o papalpak.

Una nang sinabi ni Duterte ng pagnanais nitong palitan ang Smartmatic dahil hindi na maganda ang nililikha nitong kapaligiran bunsod ng mga naitalang pagsablay ng ilang mga makina o vote counting machine, SD card,  at iba pang aberya nitong nakalipas na eleksiyon.

 

 

 

158

Related posts

Leave a Comment