SOLON SA MAYNILAD AT MANILA WATER: P6-B ISOLI SA TAUMBAYAN

Rep Arlene Brosas-3

(NI BERNARD TAGUINOD)

MALAKI pa rin ang pagkakautang ng Manila Water at Maynilad sa kanilang customers dahil hindi pa ibinabalik ng mga ito ang may P6 bilyong kanilang nakolekta para sa future projects ng mga ito.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas,  kailangang  masingil ang dalawang concessionaires at kailangang  bigyan nila ng tubo ang perang matagal na nilang hawak.

Sinabi ng mambabatas, simula pa noong 2007 ay nagpatupad umano ng rebasing rate ang Manila Water at Maynilad para sa kanilang future projects tulad ng Laiban Dam project na nagkakahalaga ng P45.3 Billion at Angat Dam Irrigation projects na P5.4 Billion naman ang halaga.

“Both projects were eventually cancelled by MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) in 2010 due to problems in technicalities but collection were already made,” paliwanag ni Brosas.

Hindi sinabi ng mambabatas kung magkano ang halagang nakolekta ng Maynilad at Manila Water mula 2007 hanggang 2010 subalit tinataya umano ng Water for All Refund Movement na aabot na ito sa P6 bilyon noong 2012.

Iginiit ni Brosas na kung P6 bilyon ang inabot na halaga ng advance collection ng Manila Water at Maynilad noong 2012 pa ay inaasahang mas malaki ito  makalipas ang 7 taon o hanggang 2019.

“Kailangang maibalik ito sa consumers  na may tubo dahil malamang ay ginamit ng mga concessionaires na ito ang nasabing halaga  sa iba pa nilang negosyo,” pahayag pa ng mambabatas.

“So malaki pa rin ang utang nila sa atin pero malakas pa ang loob nila na magtaas ng singil at nang hindi pagbigyan eh nagdemand pa sila,” ani pa ni  Brosas na ang tinutukoy ay ang napalunanang kaso ng mga ito sa Permanent Court of Abritration (PCA) sa Singapore.

Ang Maynilad ay pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan habang ang Manila Water ay negosyo naman ng mga Ayala.

Umaabot sa P7.4 Billion ang sinisingil ng Manila Water sa gobyerno ng Pilipinas at P3.4 Billion naman sa Maynilad matapos hindi sila payagang magtaas ng singil noong 2015 bagay na ikinairita ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya inutos nito ang pagrebisa ang concession agreement ng mga ito na sa bandang huli ay inihayad ng dalawang concessionaires na hindi na umano sila maniningil kasabay nang pag-atras ng water rate hike ngayong Enero.

Bagong kontrata

NANAWAGAN kahapon ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) at Water for All Refund Movement (WARM) kay Pangulong Duterte na huwag nang bigyan ng panibagong kontrata ang Manila Water  at Maynilad dahil sa patuloy nitong panloloko sa mga consumers sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan.

Ayon kay Rodolfo “RJ” Javellana, pangulo ng UFCC, maituturing na krimen ang ginagawa ng dalawang kumpanya ng tubig sa mamamayan kaugnay sa maanomalya at ilegal na kontrata.

Sinabi rin ni Javellana, pangulo rin ng WARM, itinuturing na anomalya ng Manila Water at Maynilad ang mga sinisingil nilang 20 %  environmental charges, corporate income

tax at iba pa, maliban pa sa bayad kada kubiko metro na ginagamit na tubig.

Naunang tiniyak ni Pangulong Duterte na wala na ang mga probisyong “onerous” sa bagong kontratang iniaalok ng pamahalaan tulad ng karapatan ng mga oligarko na ihabla ang gobyerno sa korte ng ibang bansa.

Nagbabala rin ang pangulo na sakaling hindi tanggapin ng Manila Water at Maynilad ang bagong kontrata ay kukunin na ng pamahalaan ang distribyusyon ng tubig sa NCR at mga karatig lalawigan bukod pa sa kakasuhan ang mga may-ari nito na sina Fernando at Enrique Zobel de Ayala sa Manila Water at Manny  Pangilinan at Isidro Consunji  sa Maynilad ng plunder o syndicated estafa o estafa on large scale.

Sinabi rin ng pangulo na kakasuhan din ang mga abogadong may kinalaman sa paggawa ng kontrata ng dalawang kumpanya ng tubig tulad ni Senador Franklin Drilon salaking mayroong sapat at matibay na ebidensiya laban sa kanila.

Naniniwala si Javellana na dapat nang itigil ang patakarang pribitisasyon ng distribyusyon ng tubig, sapagkat malinaw na walang nangyari rito mula noong 1997 hanggang sa kasalukuyan. (Nelson Badilla)

219

Related posts

Leave a Comment