SOLONS ‘DI KASAMA SA TERM EXTENSION

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MALIBAN sa mga congressmen, tanging ang mga Local Government officials ang makikinabang sa Charter Change (Cha Cha) na nais isulong sa Kongreso ngayong 18thCongress.

Ito ang nais mangyari ni Albay Rep. Joey Salceda ukol sa Cha Cha na isa sa mga nais niyang marinig kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), Lunes ng hapon.

Sa panayam kay Salceda, sinabi nito na kailangan na kailangan ang palawigin o pahabain ang taon ng pagsisilbi ng mga local officials dahil ang mga ito ang nasa frontline.

“Kailangan talaga (ng term extension), kahit hindi na sa Congressman. Kami (sa Congress) we pass law kasi but for the local government units?. Like ngayon two years lang ang mga barangay officials. Ang SK (Sangguniang Kabataan) one year lang kasi walang COA (report sa pagtatakda ng paggamit ng SK funds),so one year silang walang ginagawa,” ani Salceda.

Dahil dito, nais ng mambabatas na bukod sa mga governors, vice governors, board members, mayors, vice mayors at mga konsehal ng mga bayan at lungsod ay mapalawig din ang termino ng mga barangay at SK officials.

Sa ngayon ay tatlong taon bawat termino lang mayroon ang mga governors pababa sa Konsehal habang dalawang taon lang naman sa mga barangay officials subalit maaaring tumakbo ang mga ito ng hanggang 3 termino.

“I’m for longer term for local government officials, from governor to barangay officials. At least 4 years, three terms.  But of Congress para hindi self-serving (hindi na sila), hindi kami ang nagpapatupad ng mga proyekto eh,” ani Salceda.

Unang inilutang ni presumptive Speaker Allan Peter Cayetano ang pag-amyenda sa Saligang Batas para gawin 4 na taon ang bawat termino, hindi lamang ng mga congressmen kundi ng mga local officials.

Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga militanteng mambabatas sa Kamara dahil kapag ginalaw umano ang Saligang Batas ay lahat na ng probisyon ang papalitan at bubuksan na sa mga dayuhan tulad ng China, hindi lamang  ekonomiya  kundi ang natural resources at public service utilities ng bansa.

192

Related posts

Leave a Comment