STRANDED NA PASAHERO BUMABA NA SA 8,000

STRANDED.jpg

SA PATULOY na paghina at paglayo ng dating Tropical Depression “Usman”, na ngayon ay isa na lamang low pressure area, nabawasan na ang pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan.

Matatandaan na pumalo sa 17,315 ang bilang ng pasahero na stranded matapos hindi payagang makabiyahe ang 1,464 rolling cargoes, 116 vessels, at 24 motor banca sa mga pantalan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), 8,848 na pasahero na lang ang hindi makabiyahe sa mga pier.

Sa pantalan ng Central Luzon ay mayroong 155 na pasahero ang stranded, habang sa Southern Tagalog naman ay may 1,988, may 244 naman ang naipit sa Western Visayas at 6,434 ang sa Bicol region.

155

Related posts

Leave a Comment