HINDI kinakabahan ang mga tagasuporta ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil kampante silang ito ang itatanghal na panalo ngayong Eleksyon 2022.
Alas-7 ng umaga nang bumoto kahapon sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Batac, Ilocos Norte si Marcos Jr. kasama ang kapatid na si Irene at anak na si Sandro.
Paglabas sa classroom matapos bumoto, nag-cheer ang mga tagasuporta ng dating senador at isinigaw ang “BBM!”
Hindi napigilan ng mga tagasuporta na isigaw ang palayaw ni Marcos. Ilan sa kanila ang excited na umano na tawaging pangulo ang dating senador.
Samantala, bago bumoto ay dumaan sa Batac Church ang mag-amang Bongbong at Sandro.
Nasa 65.7 milyong Pilipino ang inasahang bumoto para sa 2022 National at Local Elections. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
109