(CHRISTIAN DALE)
BUMAGSAK ang unemployment rate ng Pilipinas nito lamang buwan ng Setyembre subalit umakyat naman underemployment.
Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi nito na ang jobless rate ay bumagsak sa 3.7% nito lamang Setyembre ng taong kasalukuyan mula 4% noong Agosto at 4.5% ng Setyembre 2023. Nangangahulugan ito na 1.89 milyong manggagawang Pilipino ang ‘unemployed’ noong Setyembre.
Samantala, umakyat naman ang underemployment rate sa 11.9% noong Setyembre mula 11.2% noong Agosto at 10.7% noong Setyembre ng nakaraang taon.
Nangangahulugan ito na 5.94 milyong manggagawa ang underemployed noong Setyembre.
Para sa PSA, ang underemployment ay nangangahulugan na ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho ay naghahanap ng extra jobs o job hours. Ang high underemployment rate ay kadalasang nakikita bilang pahiwatig na ang jobs available ay ‘low quality.’
Ang wage at salary workers ay nakapagtala ng 63.9% ng kabuuang bilang ng employed persons noong Setyembre. Sumunod naman ang self-employed persons na may 27.4% at unpaid family workers na may 6.6%.
“Workers in own or family-operated farms or businesses had the lowest share of 2.1 percent,” ayon sa PSA sabay sabing “Employees in private firms had the highest share of wage and salary workers at 76.6 percent. Employees in government or government-controlled corporations meanwhile accounted for 14.9 percent of salary workers.”
Nananatili naman ang services sector na ‘top source of jobs’ na may 62.8% ng 49.87 million employed persons noong Setyembre.
Ang agriculture sector ay mayroon namang 19.9% employed persons habang ang industry sector ay may 17.4% ng employed persons.
Sinundan ito ng public administration at defense at compulsory social security na may 333,000 trabaho, at manufacturing na may 200,000 na trabaho.
Sa kabilang dako, ang mga sektor na mayroong malaking pagbaba ng job numbers ay ang ‘accommodation at food service activities (242,000), agriculture at forestry (210,000), at fishing at aquaculture (136,000).
Samantala, sinabi ni Undersecretary at National Statistician Claire Dennis Mapa na malaking bilang ng mga tao lalo na ng kababaihan ang pumasok sa labor market, subalit hindi naman lahat ay nakakuha ng full-time employment.
Base sa data ng mga nakalipas na mga taon, sinabi ni Mapa na iyong mga naghahanap ng trabaho ay dapat tumingin sa retail trade.
Tinuran naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagtugon sa mga hadlang sa high-quality job creation.
32