TASK FORCE LABAN SA FAKE NEWS NG COMELEC UMANI NG SUPORTA

SUPORTADO ni Senador Risa Hontiveros ang hakbang ng Commission on Elections (Comelec) na bumuo ng task force laban sa pagpapalaganap ng maling impormasyon at fake news.
“As a victim of fake news myself, I support efforts to combat disinformation and fake news,” saad ni Hontiveros.

Bukod sa task force, hinimok din ni Hontiveros ang gobyerno na pag-aralan ang best practices sa ibang bansa sa paglaban sa fake news at ipatupad ito sa Pilipinas.

Kasabay nito, iginiit naman ng mambabatas na hindi kakayanin ng gobyerno mag-isa ang kampanya laban sa fake news.

Sinabi ni Hontiveros na dapat magtulungan ang lahat ng sektor upang masawata na ang patuloy na pagkakalat ng mga pekeng impormasyon at balita na labis na nakakaapekto sa publiko.

Kailangan din anyang tumulong ang mismong internet at social media platforms tulad ng Facebook at YouTube dahil sila ang kadalasang nagagamit sa pagkakalat ng maling impormasyon. (Dang Samson-Garcia)

158

Related posts

Leave a Comment