(NI KIKO CUETO)
INIIMBESTIGAHAN ng Department of Education (DepEd) sa Iloilo ang isang insidente na umano’y nagpalabas ng isang pornographic video ang isang guro sa kanyang Grade 10 students.
Ayon sa report, bahagi ito ng sex education.
Ang population growth at unwanted teenage pregnancy ang siyang karaniwang tinatalakay sa sex education bukod sa maaring mga sakit na makukuha ditto.
Pero ang isang guro sa isang national high school sa Ajuy town, Iloilo ay nagpakita ng pornographic video.
Kinumpirma naman ito ng mga estudyante na present nang ito ay ipalabas.
Nakarating na ito sa alkalde ng bayan, at nasabing nababahala siya sa Sistema na ipinapatupad ng guro.
Kinuwestyon na ng alkalde ang eskwelahan at kinausap mismo ang mga school officials.
Napag-alaman na wala ang principal ng eskwelahan nang punatahan ng alkalde.
Mismong ang alkalde ang nakiusap sa DepEd na imbestigahan ang insidente at magbigay ng guidance sa mga guro sa tamang paraan ng pagtuturo sa sex education.
394