TRANSPORT CRISIS? EXAGGERATED — MMDA  

MMDA ILLEGAL PARKING

(NI LYSSA VILLAROMAN)

SINABI ng Metropolitan Manila Devcelopment Authority (MMDA) na ‘exaggerated’ ang alegasyon na ang bansa ay nakakaranas transport crisis.

Ayon sa hepe ng MMDA Special Traffic and Transport Zone, Bong Nebrija, hindi pa dumarating sa puntong may transport crisis dahil lamang sa nag-bog down ang LRT2.

“It’s unfair to say that, lalung-lalo na yung administration na ‘to has been very aggressive in investing in infrastructure at improvement ng ating transportation.”

Sinabi pa ni Nebrija na ang transportation department na kalahati na ang  natatapos sa konstruksyon ng MRT-7 na siyang magiging common station sa lahat ng Metro Manila railways, bus at rapid transit system.

Ayon pa kay Nebrija ang LRT-2 ay nagkaroon ng tigil operasyon kasunod ng LRT-1 at MRT-3 na nakaranas din ng aberya.

“It doesn’t come over time, talagang magsasakripisyo tayo na hihintayin natin itong mga proyekto na itong matapos. At this time na malapit nang matapos ang mga ito, sasabihin nating may transport crisis, I think it is exaggerated in a sense na gumagana naman po lahat ng trains natin,” ayon kay Nebrija.

Matatandaan na nagpahayag si Presidential spokesman Savador Panelo na meron transport crisis sa Metro Manila kundi isang traffic crisis matapos na ito ay sumabak sa commute challenge papasok sa kanyang trabaho at inabot ng apat na oras bago pa makarating sa Malacanang.

Sinabi pa ni Nebrija na ang sa sitwasyon sa EDSA ay naging mabigat dahil talagang lumagpas na ang kapasidad ng mga sasakyan sa 268,000 na dumadaan sa naturang lansangan.

Dagdag pa nito na sa buwan pa laman ng August ay may 405,000 ng sasakyan ang dumadaan sa EDSA at inaasahan na nila ang pagdagdag ng   volume nito ngayon Christmas season.

“What I’m happy about is that marami na pong nakaka-recognize na yun ang problema,” ayon kay Nebrija.

Sinabi pa rin ni Nebrija sa publiko  na ginagawa ang gobyernoang lahat ng paraan upang mabigyan ng solusyon ang problema.

Dagdag pa ni Nebrija na kamakailan lamang ay pinagsabihan na nga mga mambabatas ang mga bus companies  na magsagawa ng isang consortium  upang sila ay magkaroo ng isang ‘single dispatch system’ na pwedeng mag- control sa dami ng mga buses na dumaraan sa EDSA.

 

206

Related posts

Leave a Comment