TRAVEL ADVISORY SA CANADA, OK NA ULIT – PANELO   

canada 321

(NI BETH JULIAN)

BUKAS na muli sa lahat ng department secretaries at head of agencies, government-owned and controlled corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) ang bansang Canada.

Ito ay nangangahulugang maaari nang bumiyahe papasok ng Canada ang mga nabanggit na opisyal ng pamahalaan matapos ang paglagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang June 4, 2019, sa isang memorandum na inaalis na ang ipinatupad na restriksyon sa pagbiyahe sa Canada at official interaction sa mga kinatawan ng Canadian government dahil binitbit na ng pamahalaan ng Canada ang kanilang tone-toneladang basura na nakatambak sa Pilipinas.

Inilabas ng Pangulo ang kautusan nang mabigo ang Canada na bawiin ang tone-toneladang basura na itinapon sa bansa noong 2013 at 2014.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, base sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong May 20, 2019, pinagbawalan din ng Pangulo ang mga nasa government owned, controlled corporations at government institutions na magbigay ng travel authorities sa Canada.

 

187

Related posts

Leave a Comment