URBAN POOR NA KAY DING DIAZ NA

Tinaguriang “Urban Poor Choice” ng pamilyang Pinoy si Senatorial Candidate Fernando “Ding” Diaz (independent) dahil sa plataporma nitong pabor para sa mga ordinaryong mamamayan.

Sa isinagawang press conference kahapon sa isang restaurant sa Maynila, inendorso si Diaz ng 15 mga lider ng urban poor mula sa sa Metro Manila at iba pang lugar na karatig nito.

Kabilang sa mga nag-endorso kay Diaz ay sina Nolan Tiongco ng Pasig City, Normac Osete ng Navotas City, Estella Alba ng Makati City, Joey Gonzales ng Valenzuela City, Arthur Clavio ng Taguig City, Joy Dela Pena Rendon ng Quezon City, Venus Alcantara ng Marikina City,  Gigi Ariola ng Pateros, Manuel Albano ng Las Pinas City, Leticia Granito ng Caloocan City, Ronald Quimbao ng Muntinlupa City, Emmuel Fuentes ng Maynila, Juan Pablo Rodriguez ng San Josel del Monte City, Lerma Lipain ng Mandaluyong City at Ronald Orion ng Manila Alliance of Urban Poor.

Ang nasabing mga lider ng mga samahan ay ang bumubuo ng Kongreso ng Nagkakaisang Organisadong Maralitang Lungsod (KONMAR) na may halos 12 Urban Poor Federation at malalaking organisasyong maralita at batayang masa ng apat na siyudad sa National Capital Region (NCR).

Nagkaisa ang kanilang hanay para ideklara si Diaz dahil sa mga sumusunod:

Muling pagbusisi sa seksyon ng RA 7279 o Urban Poor Development Housing Act sa relokasyon. Igigiit niya sa Senado ang onsite relocation sa lahat ng kaso ng demolition maging ito man ay private court cases o government related demolition or eviction due to projects and in a danger zone area; Pagpapagaan sa proseso Proclamation of Land Titles for Informant Settlers Families partikular sa mga idle lands at government properties; Pagpasa ng bill ng pag-institutionalize ng Presidential Urban Poor Commission na maging National Urban Poor Commission; Isang bill na mag-ensure na ang priority funds allocation ng LGUs ay low cost/socialize housing or 2nd or 3rd priority man lang. Hindi kolelat sa alokasyon; Pagbusisi sa charter ng PAGCOR na gawing priority in terms of recipient fund allocation ay Peverty Alleviation Programs ay hindi nakatuon sa Sports Development program; Pagtatayo ng bagong ahensiya na pagsasamahin ang halos 20 na anti-poverty driven agencies sa isang ahensiya na tatawaging Department of Poverty Reduction.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga mungkahi ni Diaz na kanyang isusulong sa Senado kapag nahalal siya.

Dahil dito, nangako ang KONMAR na masigasig sila na kanilang ikakampanya at iboboto si Diaz.

Ayon pa sa grupo na tama na ang mga recycle senators dahil wala silang ginawa kundi matulog, manigarilyo, magpa-check ng attendance, kumain at manlibre sa senators lounge at charge sa pondong bayan.

Idinagdag pa nila ang pangungurakot na ginagawa ng mga mambabatas sa pondo na pati utility bills ay naka-charge sa pondo ng Senado.

“Only in the Philippines po iyan, mga recycled na hindi daw sila guilty sa plunder”, anang grupo.

Sa panayam ng SAKSI Ngayon kay ginoong Diaz sinabi niyang gagawin niya ang lahat para sa mga ordinaryong mamamayan na matagal na umanong hindi nakaaahon sa kahirapan.
Aniya, ayaw niya sanang tumakbo kung may nakikita siyang may pagbabago sa mga Pilipino ngunit wala.

Ayon pa sa kanya, karamihan umano sa mga batas na naipasa sa Senado at Kongreso ay pawang anti-poor.

Partikular na binanggit ni Diaz ay ang EPIRA Law o ang Philippines Electric Power Industry Reform Act of 2001.

Sinabi pa niya na sa tagal niyang nanungkulan bilang dating chief of staff ni dating Unang Ginang Imelda Marcos at consultant ng dalawang presidente ng bansa ay nakita niya kung anong problema sa mga ordinaryong mamamayan.

Binanggit pa ni Diaz na hindi lamang pabahay ang kailangan ng mga ordinaryong mamamayan, kailangan din nila magkaroon ng pagkakakitaan para magkaroon sila ng dignidad.
Pabor din si Diaz sa tinatawag na onsite relocation ay hindi na sila kinakailangan na ilipat pa ang mga walang bahay sa malayong lugar na wala naman sila pagkakakitaan sa paglilipatan sa kanila. (Joel O. Amongo)

266

Related posts

Leave a Comment