USEC CARPIO BUMUWELTA SA 10 DA EMPLOYEES: PAGSIBAK LEGAL

USEC CARPIO-2

Itinanggi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Special Concerns Waldo Carpio, ang alegasyon ng 10 contractual employees  na hindi makatwiran ang pag-alis sa kanila sa serbisyo.

Ayon kay Carpio, ang pagsibak sa mga nagrereklamong empleyado ay legal at makatwiran, alinsunod sa sa umiiral na rules and regulations.

Nalaman na ang mga nagrereklamong empleyado ay nakatalaga sa Farm-to-Market Road Development Program ng DA ay naghain ng reklamo sa Office of the President (OP) na bukod sa hindi makatwiran na dismissal, gumawa umano ng pag-abuso sa kanyang awtoridad si Carpio dahil sa iligal na paglilipat sa mga contractual sa kanilang posisyon.

Sinabi ni Carpio na ang nabanggit na isyu ay inilathala ng iba”t ibang news organization  ng hindi man lamang kinukuha ang kanyang panig.

Sinabi ni Carpio na binigyan ng 15 araw na notice para sa kanilang termination ang mga nagreklamo bago maging epektibo ang dismissal na isa umanong istriktong pagsunod sa terms at kondisyon sa kanilang kontrata.

Ipinaliwanag pa ni Carpio na ang Contract of Service Employees ng kanilang serbisyo ay nasasakop ng CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1, S. 2017 at 2018, at ang kanilang serbisyo ay nasasakop sa terms and conditions na nasa kanilang kontrata at hindi ayon sa Labor Code.

“They have no security of tenure and that there is no employer-employee relationship between the complainants and the Department,” ayon kay Carpio.

Idinagdag pa ni Carpio na base sa dokumento, lumalabas na sa kabila na ang kanilang kontrata at balido hanggang Disyembre 31,2019, ang nabanggit na kontrata ay maaring i-terminate sa pamamagitan ng 15 araw bago ang terminasyon na nasa item 9 ng kanilang kontrata.

Sa ginawa niyang beripikasyon sa hindi pagsuweldo ng mga nagreklamong empleyado, ito ay dahil sa mga nakabinbing clearance ng mga nagreklamo sa General Services Division  ng DA .

Iginiit pa ni Carpio na hindi siya gumawa ng anumang pang-aabuso sa kanyang awtoridad tulad ng kini-claim ng mga complainant. (HARVEY PEREZ)

149

Related posts

Leave a Comment