VIETNAMESE LEADERS NAPANSIN PAGGANDA NG EKONOMIYA NG PILIPINAS SA ILALIM NG MARCOS ADMIN

TUMANGGAP ng papuri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa mga Vietnamese leaders sa kanyang pamamahala sa bansa matapos magtala ng mataas na economic growth rates sa kabila ng global challenges sa world market.

Binati ni Vietnam President Vo Van Thuong si Pangulong Marcos sa socio-economic, foreign policies, security and defense achievement ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato.

Pinuri din ng Vietnamese chief si Marcos sa mabungang kinahinatnan ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Sinabi rin ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh na nais nilang makakuha ng kaalaman mula sa economic strategy ni Pangulong Marcos at ang leadership style nito ay dapat tularan ng Vietnamese leaders.

Nakapulong ni Pangulong Marcos si Prime Minister Pham matapos ang pulong nila ni President Thuong.

“I truly appreciate the role of Mr. President in promoting and creating traditions for businesses from the Philippines to grow and making contributions to the socio-economic development of the Philippines,” ayon kay Prime Minister Pham.

Sa usapin ng trade and investment, tiniyak ni Prime Minister Pham kay Pangulong Marcos ang mas malalim pang koneksyon ng dalawang bansa.

Sang-ayon din si National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue sa mga pahayag nina Vietnam President Thuong at Prime Minister Pham.

Ayon kay Hue, nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Marcos.

Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6 percent year-on-year sa fourth quarter ng taong 2023.

Sa mga bansa sa Asya na naglabas na ng kanilang 4th Quarter GDP growth, pumapangalawa ang Pilipinas kasunod ng Vietnam (6.7%).

Naungusan naman ng Pilipinas ang China (5.2%) at Malaysia (3.4%).

129

Related posts

Leave a Comment