WATER CONCESSIONAIRES NALIGO SA P94.5 BILLION KITA SA TUBIG

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Tumataginting na P94.5 Billion na pinagsamang kita umano ng Manila Waters at Maynilad sa nakaraang 15 taon subalit palpak pa rin umano ang serbisyo ng mga ito.

Ito ang nalaman kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao sa gitna ng panibagong water interruption na ipinapatupad ng dalawang water concessionaires matapos bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Casilao, kung ang pag-aaral ng Water for the People Network ang pagbabaseham, mula nang kunin ng Maynilad at Manila Waters ang serbisyo sa tubig  ay wala ng ginawa ang mga ito kundi magtaas ng mataas na singil.

Patunay umano ang nairekord ng nasabing grupo na umaabot sa 500% hanggang 760% ang itinaas ng singil sa tubig mula ng isapribado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 1997 at mula noong 2000 hanggang 2015 ay umaabot na sa P94.5 Billion ang kita ng mga ito.

“Private concessionaries swam over an accumulated P94.5 billion from 2000 to 2015. Amid these amount of profits, how could non-revenue or water loss still reach to 11% to 30% in 2017,” ani Casilao.

Sinabi ng mambabatas na kaya nagtataas ng singil ang Maynilad at Manila Waters ay dahil sa pangako ng mga ito na aayusin ang kanilang serbisyo at ayusin ang kanilang mga linya upang walang masayang na tubig.

Gayunpaman, hindi ito nagawa umano ng Manila Water at Maynilad sa nakaraang 22 taon dahil umaabot pa rin umano sa 888 million litro ng tubig ang nasasayang araw-araw.

Ang grupo ni Casilao sa Kamara, ang Makabayan bloc ay nais paimbestigahan ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad dahil bigo ang mga ito na gawin ang trabaho ng mga ito kahit nakapaningil na ang mga ito para sa mga proyektong na titiyak na hindi mapuputol ang kanilang serbisyo.

Kabilang sa mga proyektong ito ay maghanap ng ibang source ng tubig maliban sa Angat Dam na walang sasagasaan at ayusin ang kanilang mga sira-sirang linya na dahilan kung bakit nasasayang ang tubig.

135

Related posts

Leave a Comment