WHO: 2.6-M BATANG PINOY PA NANGANGANIB SA TIGDAS

who16

(NI KIKO CUETO)

NAGBABALA ang World Health Organization na may 2.6 milyong mga kabataang Pinoy ang nanganganib na magkaroon ng tigdas kasabay ng outbreak nito.

Sinabi ni Maricel Castro, technical officer ng WHO expanded program sa immunization, ay nagsabi na base sa kanilang mga record sa mga bata, lalo na ang mga nasa edad na below 5 years old, hindi ito sumailalim sa vaccination.

Sinegundahan umano ito ng records mula sa Department of Health (DoH).

“Sa pag-aaral natin sa 5 taon na datos na nakalap natin sa DoH, lumalabas na merong 2.6 million na mga bata na 5 taon pababa ang actually na puwedeng magkaroon ng impeksiyon sa tigdas,” sinabi niya.

Kawalan ng tiwala sa mga bakuna program ng administrasyon ang pangnahing dahilan umano.

Sa pag-aaral ng London School of Hygiene and Tropical Medicine, sinabi na 32 percent lang ng mga Pinoy ang nagtitiwala sa vaccines sa 2018, matinding bagsak mula sa 2015, na may 93 percent.

Ito ay bunsod na rin sa takot na dala nang nangyari sa Dengvaxia, kung saan marami ang umanoy namatay na isinisisi dito.

“‘Yung Dengvaxia po, masasabi natin, nakadagdag siya doon sa problema, sapagkat simula noong nagkaroon ng kontrobersiya, mas lalo pang dumami ang mga magulang naghe-hesitate na magpabakuna ng kanilang mga anak,” sinabi ni Castro.

Mabilis din umano ito kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay sa Metro manila.

“Kasi ‘pag may crowding po, doon mabilis kakalat ang kahit anong nakakahawang sakit,” sabi ni Castro.

Nagdeklara ng measles outbreak sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas, bukod s Metro Manila.

 

 

327

Related posts

Leave a Comment