PACQUIAO ‘KO’ KAY VILLAR

knoutout

(NI DAVE MEDINA)

LAGLAG na sa karera o ‘knockout’ sa pampanguluhan sa 2022 si Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao  sa kabila nang pag-eendorso sa kanya noong kaarawan nito noong Disyembre 17 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala  pang dalawang  buwan mula nang ikatlong anunsyo ni Pangulong Duterte  na si Pambansang Kamao  Senador Manny Pacquiao ang kanyang manok sa pampanguluhan sa taong 2022, ay mayroon nang bagong inendorso ang Punong Ehekutibo.

Sa campaign rally sa San Jose Del Monte Bulacan kahapon, pinuri ni Pangulong Duterte  si Senador Cynthia Villar kasabay ng pag-eendorso sa asawa ni Cynthia na si dating Senate President Manny Villar .

“Kung may presidente na  suportahan ko, si Speaker. Sabi ko sa kanya, kung magtakbo ka, sa iyo ako. Speaker Villar,” anang Pangulong Duterte sa proclamation rally ng Administration party PDP-Laban sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang Pangulo na dating Kinatawan ng Davao City at si Manny Villar , na naging House Speaker, ay magkasabay na miyembro ng Kamara de Representantes  noong 1998 hanggang  2001.

Sa loob  lamang  ng linggong ito ay sinabi ni Pangulong Duterte na ang kanyang susuportahan ngayong midterm elections  ay ang kandidatura ng mga taong sumuporta sa kanya sa nakalipas na presidential election 2016.

Pero sa pag-eendorso kay reelectionist Senator Cynthia Villar, inalala ng Punong Ehekutibo kung bakit lumakas ang loob niyang kumandidatong  pangulo noon 2016.

“Nung minsan, namimili na patakbo-takbo ng presidente. Sabi ko doon sa Davao, ‘Ayaw ko, bakit ako ang anuhin ninyo? Kayo may pera.  Politika, pera eh,” sabi ni Duterte.

“Tapos, nag-dinner kami… Nagdala siya ng pera sa bag. Sabi niya, ‘Pang-umpisa mo lang kung gusto mo lang tumakbo, ‘pag hindi iyo na ‘yan…So pinag-isipan ko. Nung talagang ano na ang kampanya papalapit na. Si ma’am pati si speaker tinawag nila ako, isang hotel na suite, malaki, may sala. Usap kami. Sabi niya, sabi ni Speaker pati ni Ma’am, ‘Rody, tumakbo ka. Baka makatulong  ka pa sa bayan, “ mahabang  paliwanag ni Duterte.

Nanalo si Duterte sa laban na iyon at lumamang ng halos anim na milyong boto sa pinakamalapit na kakumpitensya.

 

153

Related posts

Leave a Comment