NATIONAL SECURITY DAPAT IANGKOP SA MAKABAGONG BANTA

NANAWAGAN si Executive Secretary Ralph Recto na iangkop ng bansa ang pambansang seguridad sa mga makabagong banta tulad ng cyber attacks, disinformation, ekstremismo at dayuhang panghihimasok.

Ito ang naging pangunahing mensahe ni Recto sa paggunita sa anibersaryo ng National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) nitong Martes.

Pinuri ng Executive Secretary ang “tahimik ngunit tapat” na paglilingkod ng NSC at NICA at iginiit na ang kalayaan ay napoprotektahan sa pamamagitan ng matitibay na institusyon, disiplina, pagbabantay at sakripisyo.

Sa pagbabalik-tanaw sa National Defense Act of 1935 at sa mga aral mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinabi ni Recto na nananatiling matatag ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kalayaan.

“From that dark chapter, we learned two enduring truths. First, that the love of freedom runs deep in the Filipino soul. Kahit kailan, hindi tayo pasisiil,” ani Recto.

Binigyang-diin niya na hindi na lamang tradisyunal na digmaan ang kinakaharap na banta ng bansa kundi maging ang maritime harassment, cyberattacks, disinformation at foreign interference.

“It may begin with a ship blocking a Filipino fisherman… with a cyberattack on a government system, a power grid, a bank, a hospital, or a school,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Recto na dapat ipagtanggol ng bansa ang soberanya nito sa West Philippine Sea habang pinalalakas ang kakayahan sa cyber security at artificial intelligence nang hindi isinasantabi ang karapatang pantao.

Tinukoy rin niya na halos tatlong beses nang nadagdagan ang pondo ng NSC at halos dumoble naman ang budget ng NICA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang patunay ng suporta ng pamahalaan sa pambansang seguridad.

(CHRISTIAN DALE)

43

Related posts

Leave a Comment