Solon kay VP Sara ‘BLOOD’ REMARK CLICKBAIT LANG

TINAWAG ni House Deputy Speaker at La Union 1st District Representative Paolo Ortega V na isang “clickbait” ang maikling pagharap ni Vice President Sara Duterte sa mga mamamahayag sa Senate complex.

Ito ay matapos dumalo si Vice President Duterte sa Senado nitong Martes ngunit hindi pumasok sa session hall at sa halip ay nagbigay lamang ng maikling pahayag na, “In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” bago umalis nang hindi sumasagot sa mga tanong.

“Nagparamdam, parang clickbait nga. Pagka-click mo ay iba naman pala ‘yung nangyari, iba ‘yung laman,” ani Ortega.

Sinabi ni Ortega na hindi na siya nagulat na hindi dumalo sa pagdinig ang bise presidente at inilarawan ang kanyang pahayag bilang bukas sa iba’t ibang interpretasyon.

“One-liner lang eh, tapos nag-move out na. So it’s open to interpretation,” dagdag niya.

Napansin din umano ni Ortega ang madalas na paggamit ni Duterte ng salitang “blood” sa kanyang mga pahayag.

“Mahilig siya sa blood, ‘yun ‘yung napansin ko,” ani pa ng kongresista.

Samantala, sinabi ni House impeachment trial spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na inaasahan ng publiko ang diretsahang sagot ni Vice President Duterte sa mga alegasyong kinakaharap nito sa impeachment trial.

“These are the questions that the people want to hear from her. Kasi siya po, this is her trial eh,” ani Adiong.

Dagdag pa ng mambabatas, mistulang “Game of Thrones-inspired punchline” lamang ang naging pahayag ng bise presidente at hindi ito ang sagot na inaasahan ng publiko.

“Unfortunately, the public was yet again disappointed,” ayon kay Adiong.

(TINA MENDOZA)

34

Related posts

Leave a Comment