NAT’L DENGUE ALERT IDINEKLARA NG DoH

dengue1

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGDEKLARA na ng ‘National Dengue Alert’ si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ang Department of Health (DoH) ng national dengue alert.

Isinagawa ni Duque ang nasabing anunsyo sa isang press conference kasama ang mga opisyal ng Department of Health at ng World Health Organization (WHO).

Naitala ang 106, 630 kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1, hanggang Hunyo 29 na mas mataas ng 85% sa naitalang kaso ng dengue noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Ayon pa sa DoH umabot na sa 456 ang namatay ngayong taon dahil sa dengue at karamihan sa mga ito ay mga bata na may edad na limang taon hanggang siyam na taon.

Itinaas na rin ang Code Blue at kaisa nila rito ang National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMO), ayon kay Duque.

Nagdeklara na rin ang ilang opisyal ng dengue epidemic sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas at Northern Mindanao.

Inuulit ng ahensya sa publiko ang  kanilang paalala upang maiwasan ang dengue. Sundin ang 4S para makaiwas sa sakit na ito.

Search and destroy mosquito breeding site, Self protective measure, Seek early consultation at say yes to Selective fogging.

Nanawagan din ang health officials na mgpakonsulta agad sa doktor pag nakita na ang ilang sintomas ng dengue sa pasyente tulad ng lagnat na mahigit dalawang araw na, joint and muscle pain, fatigue, pagkahilo, skin rashes at bleeding.

“Usually, they are brought to the hospitals rather late, complication, third stage has already been reached. Ito yung hemorrhage, internal bleeding, the heart is affected. The other organs are similarly affected. Early detection is so crucial,” ani Duque sa kanyang statement.

206

Related posts

Leave a Comment