NAUNA PA SA HOUSE SPEAKER?

Naging kapansin-pansin para sa netizens at political pundits ang tarpaulin na nakasabit sa isang event sa Camiguin kung saan isang Mr. Sofonias Gabonada ang nagpapakilala at nagpapatawag na agad ng “House Deputy Secretary General” gayong wala pa ngang naluluklok ang bagong Kongreso na House Speaker at kahit Secretary General.

Ang masaklap, ibinalandra pa ni Gabonada ang kanyang picture at pangalan katabi ng litrato at pangalan ni outgoing House Majority Leader at presumptive House Speaker Martin Romualdez. Sa July 23 magbubukas ang 19th Congress kung saan pipiliin ang mga bagong House leader kung kaya katawa-tawa na tila nauna pa sa mga main character ang isang supporting cast na tulad ni Gabonada, komento ng netizens.

370

Related posts

Leave a Comment