NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-51 na nagtatakda ng ‘waiver’ o hindi pagsingil sa interest, penalty o surcharge ng ilang mga buwis at bayarin sa lungsod.
“Alam po natin na dahil sa mga restriksyong kaakibat ng pagpatutupad ng community quarantine, marami pong mga negosyo ang apektado,” ani Tiangco.
Kabilang sa mga sakop ng bisa ng ordinansa ang Business Tax/Permit, Real Property Tax, Permit to Operate for E-Bikes at Regulatory Sticker for Public Utility Jitneys (PUJ).
Ayon kay Tiangco, layon ng ordinansa na kahit papaano ay matulungan ang mga negosyante at mabawasan ang kanilang alalahanin.
Ang deadline ng pagbabayad ng fees at localized taxes ay sa Oktubre 31, 2021. (ALAIN AJERO)
265
