NADAGDAGAN ng dalawa ang mga nasawi sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas.
Iniulat ni Mayor Toby Tiangco na dalawa sa 22 nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ang binawian ng buhay noong Sabado, Hulyo 25, habang 17 naman ang gumaling.
Nabatid na 12,674 swab tests ang nagawa sa Navotas mula nang unang magkaroon ng kaso ng COVID-19 noong Marso.
Sa huling ulat, 1,404 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod, 654 ang active, 663 ang gumaling at 87 na ang namatay.
Umabot naman sa 4,786 ang nahuli sa citywide lockdown simula nang ipatupad ito noong Hulyo 16.
Samantala, nagpasalamat si Tiangco sa pagkakataong mapalawig ang community testing sa lungsod hanggang Hulyo 31. (ALAIN AJERO)
