SINABI ng Malakanyang na wala itong nakikitang problema sa usapin ng pondo ng bawat lokal na pamahalaan lalo na sa Metro Manila para sa implementasyon ng kani-kanilang mga hakbangin sa COVID 19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa LGU na ang bola para matugunan ang problema patungkol sa corona virus.
Aniya, isa ang NCR bukod sa Cebu kung saan nakasentro ang problema sa COVID-19 at nagkataong 60 porsiyento ng national economy ay nakadepende sa Metro Manila.
Ang ibig sabihin lamang aniya nito ay sapat ang resources ng mga siyudad at walang magiging problema sa Kalakhang Maynila.
Hindi rin daw kinakailangan pang magbigay ng ayuda sa ngayon dahil hindi naman nakataas ang ECQ at MECQ sa NCR.
“Wala pong problema ang ayuda sa Metro Manila, at hindi naman kinakailangan pong magbigay ng ayuda sa ngayon dahil hindi naman po tayo naka-ECQ at MECQ,” litanya ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)
221
