NCR MAYORS TIKOM SA BAGONG QUARANTINE STATUS

WALANG irerekomendang anomang desisyon ang Metro Manila Council (MMC) at sa halip ay ipinauubaya na lamang sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang susunod na “quarantine status” na magtatapos sa araw ng Biyernes, August 20, 2021.

Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, matapos ang kanyang pagpupulong nitong gabi ng Martes, August 17, sa metro manila mayors sa harap ng nakatakdang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Abalos, hindi na umakto ang MMC na magbigay ng kanilang desisyon o rekomendasyon para sa pagpapalawig ng ecq o pagbaba ng quarantine status sa National Capital Region (NCR).

Sa halip ay inihabilin na lamang ng MMC ang pagpapasya sa IATF kung ano ang magiging desisyon nito pero kanilang tiniyak na magtutuloy tuloy ang vaccination, contact tracing at mga pag-iingat kontra Covid-19 lalo pat dumadami ang variant ng virus.

Aminado si Abalos na may surge o pagtaas parin sa bilang ng mga kaso sa covid-19 sa Metro Manila pero kanila rin na binabalanse ang kalusugan at ang ekonomiya. (JG TUMBADO)

144

Related posts

Leave a Comment