93% HEALTH WORKERS BAKUNADO NA

TINATAYANG 93% na ng health workers sa bansa ang nakatanggap ng kumpletong bakuna.

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nakatugon na ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.

May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa A1 group na kumakatawan sa may 1,539,679 na healthcare workers.

“Sa ngayon po ay mayroon na po tayong 1,539,679 na healthcare workers or 93 percent na fully vaccinated.

Sa ngayon po mayroon na po tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na po ng A2. Nakikita po natin na may agwat po ang first dose at saka second dose dahil dito po — dito po natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” ayon kay Galvez.

Sa kabilang dako, umaangat na rin aniya ang A2 at A3 group o ang grupo ng mga senior at may comorbidities.

May 3.6 million na ani Galvez ang fully vaccinated na seniors habang nasa 66 percent ang bakunado sa A3 group at nasa 1.1 million ang fully vaccinated sa hanay ng A5 o poor community. (CHRISTIAN DALE)

133

Related posts

Leave a Comment