NCR NAKAHANDA, 8,298 VCM NASA POLLING PRECINCT NA

comelec

(NI NICK ECHEVARRIA)

KUMPLETO na ang delivery ng 8,298 na mga vote counting machine (VCM) sa 723 mga polling precinct kaya handang-handa na ang Metro Manila para sa local at national elections sa Lunes. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Guillermo Eleazar, nasa 16,000 mga pulis ang ikakalat sa buong Kamaynilaan para bantayan, hindi lamang ang mga polling centers at mga canvassing areas, kung hindi pati na rin sa pagmamantini ng kanilang anti-criminality campaign.

Sinabi ni Eleazar na hindi sila maaaring magpabaya dahil palaging nag-aantay lamang ng pagkakataon ang mga grupo ng kriminal para sumalakay.

Patuloy aniyang ipatutupad ang mahigpit na pagbabantay sa gun ban at sa mga Comelec checkpoints sa buong Kamaynilaan hanggang sa huling araw ng election gun ban sa June 13.

Pinaalalahanan din ni Eleazar ang limang police district directors na laging makipag-ugnayan at alamin ang mga posibleng direktiba mula sa Comelec kaugnay sa mga posibleng problemang pang-seguridad sa mga voting precincts.

Nasa full alert status ngayon ang lahat ng field units ng PNP sa Metro Manila. Kanselado rin ang lahat ng mga leave maliban na lamang sa mga emergency cases at dapat 100% ang attendance ng mga police personnel.

215

Related posts

Leave a Comment