NCRPO MAGPAPAKALAT NG MGA PULIS SA AREAS NA MAY CAMPAIGN PROGRAM

NAKAHANDA na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag-arangkada ng kampanya sa lokal na kandidato sa Metro Manila simula ngayong Biyernes.

Ayon kay NCRPO Director Police Brig Gen Anthony Aberin, bahagi ng kanilang gagawing security measures ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga lugar kung saan inaasahang magsasagawa ng campaign programs ang mga kandidato.

Dahil dito, nanawagan si Aberin sa mga kandidato ng kooperasyon para makapaglatag sila ng komprehensibong security coverage upang matiyak ang lahat ng aktibidad sa panahon ng kampanya ay maging mapayapa at naaayon sa batas.

Lahat naman ng deployment at security preparations ay nasa ilalim ng superbisyon ng Commission on Elections at handa naman ang NCRPO na mag-adjust ng seguridad kung kinakailangan.

Ang campaign period mula governor, congressman, mayor at municipal councilors ay sisimulan sa bukas, Marso 28 hanggang Mayo 10.

Patuloy naman ang pagtukoy ng NCRPO sa mga lugar na posibleng magkaroon ng kaguluhan dahil sa mainit na labanan ng mga kandidato.

(TOTO NABAJA)

50

Related posts

Leave a Comment