(NI AMIHAN SABILLO)
NAGSAGAWA ng full council ang NDRRMC kasunod ng deklarasyon ng Department of Health ng National dengue epidemic.
Matapos na maitala ang 146,062 kaso ng dengue mula Enero ng hanggang Hulyo 20 ng taong kasalukuyan na mas mataas ng halos 100 porsyento sa naitala sa paraehong mga buwan noong nakaraang taon.
Sa bilang na ito, 622 ang nagresulta sa pagkamatay ng biktima.
Base sa surveillance report ng DOH, ang Region 6 o Western Visayas ang may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot sa 23,330.
Ang Region 4-a o Calabarzon na may 16,515 kaso, Region 9 o Zamboanga Peninsula na may 12,317 kaso, Region 10 o Northern Mindanao na may 11,455 kaso, at Region 12 o SOCSKSARGEN na may 11,083 kaso.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, mahalagang ideklara ang national epidemic para magamit ng mga LGU ang kanilang mga quick response fund upang tugunan ang problema.
Simula ng Martes, inilunsad din DOH sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang sabayang “4-oclock habit para deng-get out” kung saan nagsasagawa ng “search and destroy” sa mga posibleng pamugaran ng lamok na may dala ng dengue.
153