NEGOSYONG PASAWAY MAAARING IPASARA

KAPAG paulit-ulit ang paglabag, maaaring mapawalang-bisa ang safety seals at masuspinde ang business permit ng mga establisimyentong sasalungat sa health at safety protocols.

Sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na kapag ang isang establisimyento ay may “repeated violations” sa gitna ng banta ng COVID-19 ay maaring ipasara ang mga ito.

Nakarating sa DILG ang mga paglabag sa operational capacity limit at pagkabigo na magpatupad ng fully vaccinated requirement sa ilang establisimyento gaya ng restaurants, amusement parks, recreational venues, fitness studios, at gyms, at iba pa.

Ani Malaya, personal niyang naobserbahan ang kawalan ng paggalang ng mga establisimyento sa minimum public health standards at iba pang guidelines sa ilalim ng alert level system.

“Many restaurants and indoor establishments are not checking the vaccination status of their customers and are violating the 50 percent operational capacity for indoor establishments and 70 percent operational capacity of outdoor establishments,” ayon kay Malaya sa Laging Handa briefing.

Ang safety seal ay kailangan nakapaskil sa public at private establishments o gusali para patunay na sumusunod sila sa health protocols laban sa COVID-19.

Hinikayat din nito ang publiko na mag-report ng mga lalabag sa health at safety protocols. (CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment