Neurodivergent dancers hahataw sa ‘Show Your Groove’

Ang neurodivergent dancers na sina (mula sa kaliwa) Kamille Tingzon, Carl Garcia, at Krystel Go na nagbigay ng inspirational message at hip-hop groove sa ginanap na press conference ng Show Your Groove 2026 noong August 18.

Sa pagtutulungan ng Special Olympics Pilipinas, Kidz Groove TV, Globaltronics, at PARC Foundation, isasagawa ang Show Your Groove 2026 Hip-Hop Dance Competition para sa mga natatanging neurodivergent individuals sa August 31 sa Glorietta Activity Center sa Makati City mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Imbitado ang pro hip-hop dancers at neurodivergent dancers (mga may autism spectrum disorder o ASD, attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, Down syndrome, at iba pang developmental conditions) para makihataw sa kompetisyon. Ang registration ay hanggang sa gabi ng August 22 sa kgnation.org.

Ang pakikilahok ng neurodivergent dancers sa ganitong kompetisyon ay nagbibigay ng natatanging platform para sa pagpapahayag ng kanilang sarili, damdamin, kaisipan, at karanasan sa pamamagitan ng galaw. Ang anyo ng artistic expression na ito ay maaaring magsilbing powerful outlet para sa mga indibidwal na maaaring nahihirapan sa tradisyonal na mga anyo ng komunikasyon, na nagbibigay-daan sa kanila na ipahayag ang kanilang identity at pananaw sa isang masigla at dinamikong paraan. Chance rin ang kompetisyong ito na higit pang pahalagahan ng mga neurodivergent na indibidwal at ng kanilang mga magulang ang kanilang mga talento at maiba ang mga pananaw ng lipunan tungkol sa kapansanan at hindi maging limitado ang tingin sa kanila.

“Persons with and without intellectual disabilities can dance together. We support one another, enjoy the music, and share the same stage. My dream is for more people to believe in persons with intellectual disabilities. Please talk to us. Please dance with us. Please cheer for us. Please give us a chance to show what we can do. To all the dancers joining Show Your Groove, be proud of yourselves. Enjoy every step, every smile, every moment on stage,” pahayag ni Krystel Go, isa sa neurodivergent individuals na sumayaw sa ginanap na presscon ng Show Your Groove 2026 kamakailan.

Magkakaroon din ng workshops maliban sa kompetisyon sa naturang event at ang magwawagi ay magkakaroon ng scholarship grant.Ang fundraising activity na ito ay magiging tugon din sa pagsuporta sa scholarships for neurodivergent dancers at sports clinics para sa neurodivergent athletes sa pakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon bago ang 2027 Special Olympics World Games sa Chile.

COMPETITION CATEGORIES & DIVISIONS

Age Divisions:

• Kids | Teens | Adults

Categories:

A. Hip-Hop Unified Duo Freestyle Battle

• 1 Pro Dancer + 1 Neurodivergent Dancer vs. another duo

• Pairings will be assigned live on-site at the event!

B. Hip-Hop Group

• Exclusively for neurodivergent dancers (Up to 5 members max)

C. Open Style (Solo or Group)

• Any dance style welcome! (Must be neurodivergent soloists or all-neurodivergent groups)

Routine / Track Length: 2 to 3 minutes maximum

146

Related posts

Leave a Comment