INIHAYAG ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bagong tatag na Technical Working Group (TWG) para sa “anticipatory and forward planning” ang siyang in-charge sa pagtatakda ng “new normal” state matapos ang Luzon-wide quarantine na mapapaso sa Abril 14.
“‘Yung technical working group, binuo with NEDA (National Economic and Development Authority) paano ise-setup ang new normal. New normal kasi unless makahanap ng vaccine mananatili ang threat ng COVID-19,” ani CabSec Nograles.
Ang mga komunidad aniya na may COVID-19 cases ay ia-isolate habang ang wala namang kaso ay maaaring magpatuloy ng kanilang economic activity.
Ang bagong TWG ay inatasan na i-develop ang mga detalyadong rekomendasyon sa muling pagtatayo ng ‘consumer and business confidence’ at pagbabalik ng bagong normal state of economic activities at maging strategic stockpiling bunsod ng pandemic.
Ang NEDA ang magiging chairman ng TWG group habang ang mga magiging miyembro naman nito ay ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at National Intelligence Coordinating Agency.
Sa kabilang dako, sinabi ni CabSec Nograles na masyado pang maaga para sabihin kung palalawigin ang one-month Luzon-wide enhanced community quarantine na magtatapos sa Abril.
“We are looking at it day by day. When it comes to the decision kung ie-extend pa ang quarantine, ay masyado pang maaga. Marami pang maaaring mangyari sa two weeks,” ayon kay CabSec Nograles. CHRISTIAN DALE
181
