BAGYONG HANNA LALABAS NG PAR SA BIYERNES

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA)

LUMAKAS at bumagal ang bagyong Hanna na magdudulot pa rin ng pag-uulan sa Batanes at Babuyan Island, ayon sa   Philippine Atmospheric Geophysical, Astronomical, Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa nasa 130 kph ang bilis ng bagyong Hanna at may bugso na 160kph , huli itong namataan 630 km ng Basco, Batanes, hindi pa rin inaasahang maglalandfall at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes.

Dala ng paglakas ng bagyo ay patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na paguulan ang Batanes at Babuyan Group of Islands na ngayon ay nasa ilalim ng Storm Signal No 1.

Ang bagyong Hanna umano ay pinalalakas pa ng hanging habagat kaya nakararanas ng pag-uulan ang  Calamian at Cuyo islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Zambales, Bataan, Aklan , Antique, Iloilo, Guimaras, Metro Manila, Ilocos Region,Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Sinabi ni Pagasa kay Senior Weather Specialist Chris Perez na maliban sa bagyong Hanna ay dalawa pang weather system ang binabantayan ng Pagasa.

Isang Low Pressure area (LPA) na namataan sa Dagupan City at ang bagyong may international name na Krosa na nasa labas ng PAR.

 

164

Related posts

Leave a Comment