CALOOCAN COPS TINURUANG MAG-SIDELINE

ALINSUNOD sa paggunita sa Panahon ng Kuwaresma, lumahok ang Northern Police District (NPD) sa isinagawang Pastoral Visit at Holy Mass sa NPD Multi-Purpose Hall kamakailan.

Pinangunahan ni Rev. Fr. P/Col. Arnulfo A. Castillo, Regional Chaplain, National Capital Region Police Office, ang nasabing misa.

Sa nasabi ring bulwagan ay idinaos ng District Community Affairs and Development Division ang isang araw na livelihood seminar para karagdagang kita ng mga pulis, sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa naturang seminar ay tinalakay ni Jhon Jhon Batiancila, lecturer, ang proseso at tips sa paggawa ng dishwashing liquid making. (ALAIN AJERO)

106

Related posts

Leave a Comment