COMPREHENSIVE PLAN VS COVID-19, PINALALATAG SA DOH

HINIKAYAT ni Senador Richard Gordon ang pamahalaan, partikular ang Department of Health (DOH) na kaagad maglatag ng kumprehensibong plano upang labanan ang corona virus 2019 (COVID-19) sa harap ng banta ng mga health expert na mananatili ang virus) tulad ng ibang sakit, kahit may natuklasang vaccine.

Sa pahayag, sinabi ni Gordon na dapat may grand plan o pangkalahatang plano kabilang ang mga health strategy upang makontrol ang COVID-19 na alam naman ng lahat ng mananatili sa buong mundo.

“Unang-una, kailangan meron tayong grand plan on how we are going to quell COVID. And that’s gonna be here, anywhere from this year to another four years. Maaari, kasi hindi aalis ‘yan. Kahit na may vaccine na ‘yan, parang flu ‘yan, parang pneumonia, kahit meron kang vaccine, meron pa rin. Pero kahit umabot ng four years, two years o three years, dapat my policy tayo diyan, ano ang gagawin natin para ma-combat ‘yan,” aniya.

Ipinunto ni Gordon, chairman at CEO ng Philippine Red Cross (PRC) na inaasahang tataas ang bilang ng kaso kasabay ng pagtaas sa kapasidad ng bansa na mag-test dahil sa pagbubukas ng ibang molecular laboratories, dapat nang bumuo ng patakaran upang matiyak na may sapat na ospital, health institutions at quarantine facilities na pagdadalhan sa mga may sakit.

Muling iginiit ni Gordon na tanging susi sa pagbangon ng ekonomiya ang testing matapos magupo ang ating hanapbuhay sanhi ng pandemya ng sakit.

Kaya, aniya, kailangan nang magsagawa ng kaukulang hakbang upang payagan ang pagbubukas ng industriya at negosyo pero kailangan mabawasan ang banta sa kalusugan ng tao tulad ng mga empleyado. (ESTONG REYES)

101

Related posts

Leave a Comment