E-BIKE INANOD SA BAHA, 2 SENIORS NALUNOD

CAMARINES SUR – Nalunod ang dalawang senior citizen nang anurin ang sinasakyan nilang e-bike ng baha sa spillway ng Brgy. Biong, sa bayan ng Cabusao sa lalawigan noong Linggo.

Kinilala ang mga biktimang sina Jessie de los Santos at Jun Grimpluma.

Ayon sa report ng Camarines Sur Provincial Police Office, tinangkang itawid ng nagmamaneho ng e-bike ang spillway sa kasagsagan ng buhos ng ulan na nagdulot ng pagbabaha.

Ngunit tinangay na agos ang e-bike at ang apat na sakay nito.

Nakaligtas ang dalawa nang makalangoy ang mga ito patungo sa gilid ng ilog.

Narekober noon ding Linggo ang sinakyang e-bike ng mga biktima.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Cabusao MDRRMO, PNP at BFP para sa nawawalang dalawang senior citizen.

Noong Lunes ng umaga narekober ang dalawang biktima na parehong wala nang buhay, 50 metro ang layo mula sa spillway.

Batay sa PAGASA forecast, noong Linggo ng umaga hanggang Lunes ng gabi ay nakataas sa heavy rainfall warning (Red Warning Level) ang probinsya dahil sa epekto ng shearline na nagdulot ng walang humpay na buhos ng ulan at pagbaha. (NILOU DEL CARMEN)

30

Related posts

Leave a Comment