MINDANAO NIYANIG NG MAGNITUDE 6.6 EARTHQUAKE

AGAD nag-abiso ang Office of Civil Defense sa mga lalawigan sa Mindanao na asahan ang mararamdamang aftershocks kasunod ng pagyanig sa kanilang lugar dulot ng magnitude 6.6 earthquake kahapon ng umaga.

Sa ibinahaging ulat ng PHIVOLCS sa OCD-National Disaster Risk Reduction Management Council, tumama ang magnitude 6.6 earthquake sa ilang lalawigan ng Mindanao.

Naranasan ito bandang alas-9:39 kahapon ng umaga, at natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 434 km sa timog-silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 122 kilometers at sinasabing tectonic ang pinagmulan.

Dulot umano ito ng paggalaw ng tectonic plates o malalaking bato sa ilalim ng lupa kaya nagkaroon ng pag-uga

Wala namang inaasahang pinsala mula sa naturang lindol dahil malayo ito sa matataong lugar.

(JESSE KABEL RUIZ)

222

Related posts

Leave a Comment