MWP SA ROBBERY INARESTO SA SELDA

INARESTO ng mga tauhan ng Warrant Section ng Manila Police District sa loob ng selda ng Moriones Police Station 2, ang isang 40-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joel”, binate, ng Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., Station Commander, bandang alas-7:00 ng gabi, nang silbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Warrant Section, sa pangunguna ni Police Captain Robert Dato, ang suspek na nakapiit sa nabanggit na himpilan ng pulisya dahil sa ibang kaso.

(RENE CRISOSTOMO)

73

Related posts

Leave a Comment