PBBM PINASALAMATAN NG MANILA LGU AT 2,100 PAMILYANG NASUNUGAN

BUMISITA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina Bureau of Fire Protection (BFP) chief OIC CSUPT. Jesus Fernandez at Manila Mayor Honey Lacuna sa mga nasunugan mula sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa Delpan at hinatiran sila ng tulong. (PAOLO SANTOS)

PINASALAMATAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng libo-libong pamilya si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. nang personal nitong bisitahin ang mga biktima ng sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo.

Walang patid na pasasalamat ang hatid nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kay Pangulong Marcos, sa personal na pagtulong nito sa may 2,100 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa densely populated Isla Puting Bato, kasabay ito ng pamamahagi nila ni Servo ng Christmas food boxes sa may 700,000 tahanan.

“Mahal naming Pangulo, sa ngalan po ng buong barangay ng Isla Puting Bato, maraming maraming salamat po sa inyo. Sana po ay ‘wag kayong magsawa sa pagtulong sa aming mga Manilenyo,” pahayag ng alkalde kay Pang. Marcos, Jr.

“Ang Lungsod po ng Maynila ay taos-pusong nagpapasalamat sa mabilis at malasakit na hakbang na ginawa ng inyong pamahalaan sa pagbigay ng tulong sa aking mga kababayan na nawalan ng tahanan at ari-arian. Nawa’y magpatuloy pa ang inyong magandang serbisyo para sa kapakanan ng bawat isa sa ating bansa,” saad pa ng alkalde bilang pasasalamat sa national government assistance na inabot mismo ng Pangulo.

Sina Marcos at Lacuna ay sinamahan ng iba pang national at local officials sa pangunguna ni Department of Social Welfare (DSWD) head Rex Gatchalian, Servo, comebacking first district Congressman Manny Lopez at Manila city councilors, habang namahagi ang mga ito ng iba’t-ibang klase ng ayuda sa mga pamilyang biktima ng sunog, na kinabibilangan ng food packs, cash at iba pa.

Samantala, sa pagsisimula ng ’12 Days of Christmas’ ng pamahalaang lungsod, sinabi ni Lacuna na: “Napakaraming pagsubok dinaanan natin ngayong taon, maya’t-maya may bagyo, kaliwa’t-kanan ang sunog, pero hindi maaaring hindi maibigay sa inyo ang napakasimpleng Pamaskong Handog para sa bawat pamilyang Manilenyo.”

“Gusto namin, meron kayong pagsasaluhan sa Pasko…sana ay pagdamutan ninyo ang aming munting nakayanan ngayong taon. Sama-Sayang Kapaskuhan sa bawat pamilyang Manilenyo!” saad ng alkalde .

Ang food boxes ay naglalaman ng 5 kilos of rice, pasta and sauce, cheese, milk, canned mixed fruits at ilang lata ng several cans of corned beef. (JESSE KABEL RUIZ)

43

Related posts

Leave a Comment