MATAGUMPAY na nasungkit ng tatlong Bureau of Customs district collection offices ang prestihiyosong “Gold Award” sa ginanap na Performance Governance System (PGS)
Proficiency Stage Revalida kamakailan.
Kabilang sa mga binigyang pagkilala ang Port of Subic na nakapagtala ng 97.90% na patunay ng mas pinahusay na implementasyon ng mga mekanismong kalakip ng BOC modernization program. Bago man nasungkit ng Port of Subic ang nasabing pagkilala, tumanggap na rin ng “Gold Award” ang nasabing tanggapan para naman sa Initiation at Compliance Stage.
Swak din sa pamantayan ng husay ang Manila International Container Port (MICP) at Port of Manila. Nakakuha ng grading 96% ang MICP habang 97% naman para sa Port of Manila.
Sa pinag-isang pahayag ng pamunuan ng mga kinilalang tanggapan ng BOC, patunay anila ang “Gold Award” na malayo na ang pinagbago ng ahensyang dati lang kilala sa katiwalian. Pagtitiyak pa nila, mas pag-iibayuhin pa nila ang husay sa pagtugon ng kanilang manto para sa pagbabagong isinusulong ng administrasyon.
(BOY ANACTA)
99