TRADISYUNAL NA LIBING SA NAMATAY SA COVID-19, BAWAL PA

ITINUWID ng Malakanyang ang naunang pahayag ng Department of Health (DoH) na maaari na ngayong ilibing ang mga namatay sa COVID-19 basta’t double-sealed ang bangkay at pagkapasok sa ataul ay siselyuhang muli.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili ang protocol ng DoH na dapat agad i-cremate ang bangkay ng pasyenteng nasawi sa COVID-19.

Isasagawa lamang ang tradisyunal na paglilibing sa pumanaw na COVID patient kapag hindi available ang cremation sa isang lugar. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment