SIMULA kahapon hanggang sa susunod pang Miyerkoles ay magpapatupad ng libreng sakay ang MRT-3 tuwing Miyerkoles sa buong buwan ng Agosto para sa mga pasaherong gagamit ng kanilang National ID sa pagsakay.
Epektibo ang Libreng Sakay mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM, at 6:00 PM hanggang 8:00 PM sa mga petsang Agosto 6, 13, 20, at 27.
Ayon sa DOTr MRT 3, ang Libreng Sakay ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalaganap ang paggamit ng National ID.
Target ng programa na kilalanin at gamitin ang national IDs para sa mas madaling mga transaksyon, pampubliko man o pribado, at mas mabilis at inklusibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan.
(JESSE RUIZ)
155 