NIEVAREZ KINAPOS

NATAPOS ang kampanya ni Pinoy Cris Nievarez sa ­Tokyo Olympics nang tumapos lang sa ikalimang puwesto sa men’s single sculls quarterfinals, Linggo ng umaga sa Sea Forest Waterway.

Nagtala ang 20-anyos mula Atimonan, Quezon ng 7:50.74 minuto sa likuran nina Oliver Zeidler ng Germany (7:12.75). Luca Verthein Ferreira ng Brazil (7:14.26) at Mindaugas Griskonis ng Lithuania (7:16.71).

Tanging top 3 ang uusad sa medal race.

Nakatakda naman sumabak si Nievarez sa semifinals C/D bukas bagama’t para lamang ito sa ranking o classification. (ANN ENCARNACION)

214

Related posts

Leave a Comment