NO GARAGE, NO CAR BILL INIHAIN SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

SA oras na maipatupad, hindi na maaring bumili at magparehistro ng sasakyan kung walang paparadahan.

Isinusulong sa House Bill 2091 o Proof of Parking Space Act  ni Batangas Rep. Raneo Abu na dapat may mapapag-parkingan muna ang mga may-ari bago ito bumili ng sasakyan.

Ang panukala umano ang tutugon para mabawasan ang matinding trapiko dahil na rin sa ginagawang parking lot ang mga secondary roads at mga bangketa,

Sa ilalim ng panukala, hihingan ng pruweba ang isang indibidwal na meron itong garahe para sa bibilhing sasakyan.

Hindi pwedeng mairehistro sa Land Transportation Office ang isang sasakyan kung wala itong katibayan na may mapaparadahan.

Kung mapatutunayan na nagsinungaling o wala talagang paradahan ang bumili ng sasakyan, pagmumultahin ito ng P50,000 at sususpendihin ng tatlong taon ang kanyang rehistro.

Papatawan naman ng 3 suspensyon sa trabaho ang kawani ng LTO na nagbigay ng rehistro at wala siyang matatanggap na sahod o anumang benepisyo.

Kapag naging batas, ipatutupad ito sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at iba pang mauunlad na lungsod.

Sinabi ni Abu na dapat maging responsable din ang bawat isa at hindi dahil may pambili ng sasakyan ay bibili na lang  nang walang pagkonsidera kung makahaharang ito sa mga kalsada.

148

Related posts

Leave a Comment