ITINUTULAK ng isang labor group ang pagpapatupad ng ban sa pagbi-videoke may handaan man o wala.
Ayon sa Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines, marami na kasing mga Pinoy ang work from home lalo na ngayong pandemya, kayat hindi makatutulong ang ganitong mga uri ng istorbo o ingay.
Ang mga estudyante ay nasa online class din kayat mainam na maka-concentrate ang mga bata.
Dagdag ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, nakasisira kasi ng concentration ang ingay.
“Bawas stress din ang matahimik na lugar sa mga manggagawa at online students and teachers dahil hirap na nga silang makakuha ng signal ay dadagdagan pa ng ingay ng videoke o karaoke kaya malaking tulong po ang ganitong panukala,” sinabi nito.
Ngayong nililimitahan ang paggalaw para maiwasan ang hawahan ng COVID-19, may mga nag-o- online class o kaya’y nagtatrabaho sa bahay. (CATHERINE CUETO)
157 