PAIIRALIN din sa Calabarzon ang resolusyon ng Metro Manila mayors na naglilimita sa paggalaw ng mga unvaccinated o hindi pa bakunadong indibidwal.
Inihayag ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos maglabas ang regional task force COVID-19 ng Calabarzon ng isang memorandum na naglalayong i-adopt o ipatupad na rin sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon ang ‘no bakuna, no labas’ policy ng National Capital Region (NCR).
Sa kabilang dako, hinimok ng RTF- Calabarzon ang lahat ng local task forces sa rehiyon na pairalin na sa kanilang mga nasasakupan ang nasabing resolusyon.
Una nang inirekomenda ni Presidential adviser on COVID-19 response and testing czar Sec. Vince Dizon na pairalin sa buong bansa ang nasabing polisiya. (CHRISTIAN DALE)
225
