NO VAX, NO WORK KINUMPIRMA NG DOLE

KINUMPIRMA mismo ni Labor Secretary Silvestre Bello ang pagpapatupad ng “no vax, no work” policy ng gobyerno, bagamat limitado lamang umano ang saklaw nito.

Sa isang panayam sa telebisyon, nilinaw ni Bello na walang mandatory vaccination o anomang batas na nagtatakda ng pwersahang pagbabakuna sa hanay ng mga manggagawa.

Subalit may mga inilatag na exemptions aniya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na siyang nagbabalangkas at nagrerekomenda sa Pangulo ng mga panuntunang dapat sundin ng publiko sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya sa bansa.

Kabilang aniya sa mga exemptions ay ang mga nagtatrabaho sa mga restaurant, na aniya’y tinukoy sa isa sa mga resolusyon ng IATF.

“There is no law which requires everybody, including workers, to get vaccinated. It is only a resolution of the IATF which requires that in operating a restaurant, you have to have your workers vaccinated. That is the only instance where vaccination is required of workers.

Otherwise, there is no law which requires everybody, including workers, to be vaccinated,” sambit ng Kalihim sa panayam.

Sa ilalim ng nasabing IATF resolution, pinahihintulutan ang 30% capacity sa dine-in at 50% sa al fresco dining ng mga restaurants sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa kondisyong lahat ng mga manggagawa ay pawang bakunado na.

Gayunpaman, nilinaw na Bello na hindi inaayunan ng kanilang departamento ang mga napabalitang pagpiit ng mga sahod ng mga empleyadong hindi pa fully-vaccinated. Hindi din aniya nila papayagang masibak ang isang manggagawa dahil lang sa hindi pa ito natuturukan ng bakuna kontra COVID-19.

No vax, no salary
hindi policy

Kaugnay nito, itinanggi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na nagpapatupad ang pribadong sektor ng “no vaccine, no salary” policy.

“‘No jab, no pay,’ that’s not true,” diing pahayag ni Concepcion sa isang virtual press briefing.

“None of the companies that we are aware of are implementing ‘no jab, no pay’,” dagdag na pahayag nito.

Tugon ito ng kalihim sa isiniwalat kamakailan ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay na mayroong grupo ng mga empleyado ng isang kumpanya sa Kalakhang Maynila ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang nasabing polisiya.

Dahil dito, hinikayat ni Tanjusay ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng labor advisory warning laban sa employers kontra sa ipinatutupad na polisiya.

Samantala, sinabi naman ng Department of Health na hindi requirement para sa mga manggagawa ang magpabakuna bago matanggap ang kanilang sahod.

Gayunman, sinabi ni Concepcion, na inirekomenda ng kanyang grupo na ang mga empleyado sa high-risk and labor-intensive business establishments ay kailangan na fully vaccinated para maiiwas ang mga hindi bakunadong tao na mahawa ng malalang infection ng COVID-19.

“We are making a recommendation to Secretary [Silvestre] Bello that in labor-intensive businesses for example, semiconductors, call centers, or even POGOs or business establishments that entry is only for fully vaccinated customers, we are requesting that a vaccine mandate be implemented only for these sectors to protect the unvaccinated,”ayon kay Concepcion.

“I hope that soon enough, as vaccine supply stabilizes, DOLE can look into making vaccination mandatory in these high-risk industries,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Concepcion na hindi maaaring gamitin ng mga employer ang vaccination status ng kanilang mga empleyado bilang “excuse” para hindi bayaran ang mga ito para sa serbisyong kanilang naibigay.

“Employers should not use vaccination status as a qualifier whether the employee will get his or her salary. All employees should be paid for their work and service. No ifs and buts,” anito. (FERNAN ANGELES/CHRISTIAN DALE)

399

Related posts

Leave a Comment