Nobyo patay na rin PNP: VIVA MAX ACTRESS HINDI NAMATAY SA BUGBOG

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi dulot ng pambubugbog ang pagkamatay ng Viva Max actress na si Gina Lima, na natagpuang walang buhay sa condo unit ng kanyang dating nobyo na si Ivan Ronquillo sa Quezon City.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni QCPD Spokesperson Maj. Jennifer Gannaban na base sa autopsy report ng Regional Forensic Unit, ang mga pasa sa hita ni Lima ay “non-fatal” o hindi sapat para ikamatay niya.

Batay sa post-mortem findings, nakita rin ang congested at edematous lungs at heart congestion sa biktima.

Ayon kay Gannaban, hindi pa rin matukoy ang eksaktong sanhi ng kamatayan at hinihintay pa ang resulta ng toxicology at histopathology tests.

Samantala, kinumpirma ng QCPD na binawian na rin ng buhay si Ronquillo. Naisugod pa ito sa ospital, Miyerkoles ng umaga ngunit idineklarang dead on arrival. Patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng magnobyo.

(TOTO NABAJA)

210

Related posts

Leave a Comment