NORA BABU NA SA SHOWBIZ

(GERRY OCAMPO)

KAHIT walang kumpirmasyon pa kay Superstar Nora Aunor, sinasabi ng ilang grupo ng Noranians na may plano na raw ang National Artist for Film magretiro na sa showbiz

Gusto raw ni Ate Guy na mamalagi na lang sa kanyang bayan sa Iriga, Camarines Sur at asikasuhin na lang ang lupaing naipundar, tuloy

magpahinga na rin sa paggawa ng pelikula.

May farm si Ate Guy sa nasabing bayan na kung hindi kami nagkakamali ay 64 hectare ang lawak. ‘Yun na lang daw ang bibigyan- pansin at aasikasuhin nito

Lately kasi ay nagkakasakit na ang Superstar at

mas maganda raw mag-stay ito sa farm para sa sariwang hangin, walang stress at problemang iisipin.

Masayang-masaya siya nang magdiwang ng kaarawan last May, kasama ang kanyang mga anak na sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko na kung saan nagkaroon sila ng todong bonding.

Ang magandang birthday gift pa sa Superstar ay nang dalawin at bantayan siya ni Lotlot de Leon habang nasa ospital. Kaya masayang-masaya si Ate Guy dahil nakumpleto na rin ang kanyang pamilya.

Nakamit na rin niya ang matagal nang minimithing National Artist for Film award na ipinagkaloob sa kanya bago matapos ang term ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Pangulo ng bansa.

Wala nang mahihiling pa ang Superstar. Sa limang dekada niya sa showbiz ay nakagawa at nakaambag na siya ng makabuluhang pelikula sa movie industry.

Ngayon ay kailangan daw bigyan-pansin at prayoridad ng Superstar ang kanyang kalusugan. Ang pakiusap lang ng loyal Noranians ay ‘wag tuluyan magretiro sa showbiz ang kanilang idolo. Puwede siyang gumawa ng pelikula kahit isa o dalawa sa isang taon.

Sa kasalukuyan ay may pelikula pa si Ate Guy na hindi pa nailalabas, ang Kontrabida.

249

Related posts

Leave a Comment