NORTH CALOOCAN RESIDENTS INAYUDAHAN NI SEN. MARCOS

NAGPASALAMAT si Caloocan City Mayor Along Malapitan kay Sen. Imee Marcos sa tuloy-tuloy na pagtulong sa mga Batang Caloocan.

Noong Hulyo 19, nabenipisyuhan ang mga taga North Caloocan sa programang Assistance for Individuals/Families in Crisis o AICS na naglalaan ng P3,000 cash assistance sa kwalipikadong mga residente.

Magugunitang noong nakaraang linggo, pinangunahan din ng alkalde ang distribusyon ng nasabing tulong pinansyal sa mga residente ng South Caloocan.

“Malaking bagay po ito sa ating mga kababayan,” ani Malapitan. (ALAIN AJERO)

379

Related posts

Leave a Comment