Not President’s Playground

Kinontra rin ng isang mambabatas ang planong pag-upo ni Marcos sa Bicameral Conference committee ng 2026 nationals budget.

“The bicam is not the President’s playground,” ani ACT Teacher party-list Rep. France Castro.

Ayon sa mambabatas, walang karapatang umupo si Marcos sa Bicam ng pambansang pondo at pakialaman ang trabaho ng mga senador at congressmen na nakasaad sa Saligang Batas.

“Ang bicameral conference committee ay tungkulin ng lehislatura—hindi dapat pinakikialaman o dinadaluhan ng Pangulo. Ang presensya ni Marcos o ng sinomang kinatawan ng ehekutibo sa bicam ay naglalagay ng hindi kinakailangang pressure at banta sa kalayaan ng mga mambabatas na magpasya batay sa interes ng mamamayan, hindi ng Palasyo,” ani Castro.

Kapag ipinilit umano ni Marcos na umupo sa Bicam ay malalabag ang prinsipyo ng check and balances at separation of powers kaya hindi dapat pumayag ang Senado at Kamara sa planong ito ng Pangulo.

Inayunan naman ito ng papalit kay Castro na si Representative-elect Antonio Tinio kasabay ng panawagan na dapat buksan ang Bicam sa publiko sa pamamagitan ng live coverage upang malaman ang nangyayari sa kumperensya.

“Walang lugar ang Pangulo sa bicam. Dapat ay lantad at bukas sa publiko ang lahat ng pag-uusap. Panahon nang wakasan ang mga closed-door negotiations na nagtatago ng tunay na dahilan ng mga budget cut at dagdag sa pork barrel,” ani Tinio.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na karaniwang nababago ang inaprubahang pambansang pondo sa dalawang kapulungan ng Kongreso pagdating sa Bicam at dito rin isinisingit ang mga pondo tulad ng mga ayuda na hindi napag-usapan sa budget hearing.

(BERNARD TAGUINOD)

69

Related posts

Leave a Comment